Mga Awit 119:104-107 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

104. Sa bigay mong mga utos, natamo ko'y karunungan,kaya ako'y namumuhi sa ugaling mahahalay.(Nun)

105. Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

106. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin,tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin.

107. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay,sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay.

Mga Awit 119