Mga Awit 118:19-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ang mga pintuanng banal na templo'y inyo ngayong buksan,ako ay papasok,at itong si Yahweh ay papupurihan.

20. Pasukan ni Yahwehang pintuang ito;tanging makakapasokay matuwid na tao!

21. Aking pinupuriikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan,dininig mo ako't pinapagtagumpay.

22. Ang batong itinakwilng mga tagapagtayo ng bahay,ang siyang naging batong-panulukan.

23. Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan.

Mga Awit 118