1. Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
2. Ang taga-Israel,bayaang sabihi't kanilang ihayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
3. Kayong mga paring Diyos na si Yahweh, bayaang magsaysay:“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
4. Lahat ng may takotkay Yahweh, dapat magpahayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
5. Nang ako'y magipit,ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag;sinagot niya ako't kanyang iniligtas.
6. Kung itong si Yahwehang aking kasama at laging kapiling,walang pagkatakot sa aking darating.