Mga Awit 116:10-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig,bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.”

11. Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan,“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

12. Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog,sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

13. Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Mga Awit 116