Mga Awit 116:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig,dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;

2. ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag,kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.

3. Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan,nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan;lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.

4. Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko,at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.

5. Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran,Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.

18-19. Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigayang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.Purihin si Yahweh!

Mga Awit 116