Mga Awit 112:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Masamang balita'y hindi nagigitla,matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

8. Wala siyang takot hindi nangangamba,alam na babagsak ang kaaway niya.

9. Nagbibigay sa mga nangangailangan,pagiging mat'wid niya'y walang hanggan,buong karangalang siya'y itataas.

10. Kung makita ito ng mga masama,lumalayas silang mabagsik ang mukha;pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Mga Awit 112