Mga Awit 109:25-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Ang sinumang makakita sa akin ay nagtatawa,umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita.

26. Tulungan mo ako, Yahweh, sana naman ay iligtas,dahilan sa pag-ibig mong matatag at di kukupas.

27. Bayaan mong makilala na ikaw ang nahahabag,ipakita sa kaaway na ikaw ang nagliligtas.

28. Ako'y iyong pagpalain, kung kanilang sinusumpa,sa kanilang pag-uusig bayaan mong mapahiya;ako namang iyong lingkod mabubuhay na may tuwa.

Mga Awit 109