6. Sa taglay mong kalakasan kami sana ay iligtas,upang kaming iyong lingkod ay hindi na mapahamak;dinggin mo ang dalangin ko kapag ako'y tumatawag.
7. Sinabi nga nitong Diyos mula sa tronong luklukan,“Hahatiin ko ang Shekem, bilang tanda ng tagumpay,paghahati-hatiin ko ang Sucot na kapatagan, matapos na gawin ito'y ibibigay sa hinirang.
8. Ang Gilead at Manases, dal'wang dakong ito'y akin,magsisilbing helmet ko itong lugar ng Efraim;samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.
9. Ang Moab ay isang lugar na gagawin kong hugasan,samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;doon naman sa Filistia, tagumpay ko'y isisigaw.”