Mga Awit 108:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nahahanda ako ngayon, O Diyos, ako ay handa na,na magpuri at umawit ng awiting masisigla!Gumising ka, kaluluwa, gumising ka at magsaya!

2. O magsigising na nga kayo, mga lira at alpa;tumugtog na at hintayin ang liwayway ng umaga.

3. Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan,Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.

4. Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.

5. Sa ibabaw ng mga langit ikaw ay itatanghal,at dito naman sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.

Mga Awit 108