Mga Awit 106:43-46 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

43. Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.

44. Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan,dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan.

45. Dinirinig sila at inaalaala kanyang kasunduan,nahahabag siya dahilan sa wagas niyang pagmamahal.

46. Maging ang sumakop sa mga hinirang ay nangahabag din,sapagkat si Yahweh ang siyang nag-utos na iyon ang gawin.

Mga Awit 106