Mga Awit 106:39-45 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

39. Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumama.

40. Kaya naman muli, si Yahweh'y nagalit sa mga hinirang,siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.

41. Sa bansang kaaway itong bayan niya'y ipinaubaya,sila ay nasakop at ang mga Hentil ay siyang namahala.

42. Inalipin sila at pinahirapan ng mga kaaway,pinasuko sila't ipinailalim sa kapangyarihan.

43. Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.

44. Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan,dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan.

45. Dinirinig sila at inaalaala kanyang kasunduan,nahahabag siya dahilan sa wagas niyang pagmamahal.

Mga Awit 106