Mga Awit 106:13-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Parang ningas-kugon, ang lahat ng ito'y kaagad nilimot,sariling balangkas ang sinunod nila, hindi ang sa Diyos.

14. Habang nasa ilang, ang sariling hilig ang siyang sinunod,sa ilang na iyo'y kinalaban nila't sinubok ang Diyos.

15. Ang hiniling nila'y hindi itinanggi, kanilang nakamit,ngunit pagkatapos, sila'y dinapuan ng malubhang sakit.

Mga Awit 106