Mga Awit 104:15-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya,may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya,at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

16. Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig,mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim.

17. Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga,mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira.

18. Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan,sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.

19. Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha,araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda.

20. Lumikha ka nitong dilim, at gabi ang itinawag,kung gumabi gumigising ang hayop na maiilap.

21. Umuungal itong leon, samantalang humahanapng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat.

22. Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli,pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli;

23. samantalang itong tao humahayo sa gawain,sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.

24. Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha!Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

25. Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan,malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

Mga Awit 104