Mga Awit 103:5-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Sa sarili ang dulot niya'y kasiyahan habang buhay,kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan.

6. Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan;natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.

7. Mga plano niya't utos kay Moises ibinilin;ang kahanga-hangang gawa'y nasaksihan ng Israel.

8. Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal,hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.

Mga Awit 103