Mga Awit 103:13-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya,gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.

14. Alam niya na alabok, itong ating pinagmulan,at sa alabok din naman ang ating kahahantungan.

15. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad,sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak;

16. nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan,nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.

17. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal;ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

Mga Awit 103