Mga Awit 103:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

2. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

3. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

Mga Awit 103