Mga Awit 102:3-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Nanghihina akong usok ang katulad,damdam ko sa init, apoy na maningas.

4. Katulad ko'y damong natuyo sa parang,pati sa pagkai'y di ako ganahan.

5. Kung ako'y tumaghoy ay ubod nang lakas,yaring katawan ko'y buto na at balat.

6. Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang,para akong kuwago sa dakong mapanglaw;

7. ang aking katulad sa hindi pagtulog,ibon sa bubungang palaging malungkot.

Mga Awit 102