Mga Awit 101:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat;maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak.

5. Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin;di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

6. Ang lahat ng taong nagtatapat sa Diyos, ako ay kaisa,sa aking palasyo ay papayagan ko na doon tumira,kung tunay na tapat ay tutulutan ko na maglingkod sila.

7. Sa aking palasyo yaong sinungaling di ko papayagan,sa aking presensya ang mapagkunwari'y di ko tutulutan.

8. Lahat ng masama, araw-araw sila'y aking wawasakin;lahat ng masama sa lunsod ni Yahweh ay palalayasin!

Mga Awit 101