Mateo 6:8-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.

9. Ganito kayo mananalangin,‘Ama naming nasa langit,sambahin nawa ang iyong pangalan.

10. Nawa'y maghari ka sa amin.Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.

11. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;

12. at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

13. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’

14. “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.

15. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

16. “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

17. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok

18. upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Mateo 6