6. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’”
7. Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”
8. Pagkatapos, dinala naman siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito.