15. Tinanggap ng mga bantay ang suhol, at ganoon nga ang kanilang ginawa. Kaya magpahanggang ngayon ito pa rin ang balitang ipinagsasabi sa mga Judio.
16. Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus.
17. Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan.