2. Kaya siya'y iginapos nila at dinala kay Pilato na siyang gobernador doon.
3. Nang makita ni Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak.
4. Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan.”“Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila.
5. Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.