Mateo 26:65-68 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

65. Pagkarinig nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at sinabi, “Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan sa Diyos!

66. Ano ang pasya ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay!”

67. Dinuraan nila si Jesus sa mukha at pinagsusuntok. Pinagsasampal naman siya ng iba,

68. at kinutya, “Hoy, Cristo, hulaan mo nga kung sino ang sumampal sa iyo!”

Mateo 26