4. Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan.
5. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay.
6. “Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’
7. Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan.
8. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’