39. Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
40. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa.
41. May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa.
42. Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon.