Mateo 22:35-38 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

35. Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusang Judio, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito.

36. “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.

37. Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.

38. Ito ang pinakamahalagang utos.

Mateo 22