Mateo 22:17-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?”

18. Alam ni Jesus ang kanilang masamang layunin kaya't sinabi niya, “Kayong mga mapagkunwari! Bakit nais ninyo akong hulihin?

19. Ipakita ninyo sa akin ang isang salaping pambuwis.”At ipinakita nga nila ang isang salaping pilak.

20. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit diyan?” tanong ni Jesus.

21. “Sa Emperador po,” tugon nila.Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos.”

22. Namangha sila nang marinig ito, at sila'y umalis.

Mateo 22