Mateo 21:12-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Pumasok si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagbibili at namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.

13. Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan,‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

14. Habang si Jesus ay nasa Templo, lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling.

15. Nagalit ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa niya at marinig ang mga batang sumisigaw sa loob ng Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”

Mateo 21