1. Malapit na sa Jerusalem nang sila ay dumaan sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad,
2. “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin.
3. Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.”
4. Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:
5. “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo,‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating.Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno,at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’”
29-30. ‘Ayoko po,’ tugon nito, ngunit nagbago ito ng pasya at nagtrabaho sa ubasan. Lumapit din ang ama sa ikalawa at ganoon din ang kanyang sinabi. At tumugon ito, ‘Opo,’ ngunit hindi naman pumunta sa ubasan.