Mateo 18:23-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang.

24. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso.

25. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.

26. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’

Mateo 18