Mateo 14:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Itong si Herodes ang nagpahuli kay Juan. Ipinagapos niya ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

4. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng iyong kapatid.”

5. Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan, ngunit natatakot siya sa mga Judio sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan na Tagapagbautismo.

6. Nang sumapit ang kaarawan ni Herodes, sumayaw ang anak na babae ni Herodias sa harap ng mga panauhin. Labis na nasiyahan si Herodes,

Mateo 14