Mateo 14:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang balita tungkol kay Jesus ay nakarating kay Herodes na gobernador ng Galilea,

2. kaya't nasabi niya sa kanyang mga lingkod, “Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siya'y muling nabuhay kaya't nakakagawa ng mga himala!”

3. Itong si Herodes ang nagpahuli kay Juan. Ipinagapos niya ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.

4. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng iyong kapatid.”

5. Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan, ngunit natatakot siya sa mga Judio sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan na Tagapagbautismo.

Mateo 14