Mateo 13:32-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

32. Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

33. Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinhaga. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umalsa ang minasang harina.”

34. Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinhaga.

35. Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga,ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig.”

Mateo 13