Marcos 8:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Kung pauuwiin ko sila nang gutom, mahihilo sila sa daan; malayo pa naman ang pinanggalingan ng ilan sa kanila.”

4. “Ito po ay isang ilang na lugar. Saan po tayo kukuha ng pagkain para sa ganito karaming tao?” tanong ng mga alagad.

5. “Ilang tinapay pa ang natitira?” tanong ni Jesus.“Pito po,” sagot nila.

6. Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao at kinuha ang pitong tinapay. Nagpasalamat siya sa Diyos, hinati-hati ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Ganoon nga ang ginawa ng mga alagad.

Marcos 8