Marcos 5:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Dumating sila sa ibayo ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno.

2. Pagkababa ni Jesus sa bangka, siya'y sinalubong ng isang lalaking sinasapian ng masamang espiritu.

3. Ang lalaking ito'y nakatira sa mga libingan. Hindi na siya maigapos, kahit tanikala pa ang gamitin.

4. Bagama't madalas siyang gapusin ng tanikala sa kamay at paa, nilalagot lamang niya ang mga ito. Wala nang nakakapigil sa kanya.

Marcos 5