Marcos 13:8-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Sapagkat makikipagdigma ang mga bansa laban sa kapwa bansa at ang mga kaharian laban sa kapwa kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng isang nanganganak.

9. “Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila.

10. Ngunit dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita bago dumating ang wakas.

Marcos 13