Marcos 10:2-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. May ilang Pariseong gustong subukin si Jesus; kaya't lumapit sila at nagtanong, “Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”

3. Sumagot siya, “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?”

4. Sumagot naman sila, “Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa.”

5. Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo.

6. Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae.

7. ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa

8. at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa.

9. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”

Marcos 10