Marcos 1:30-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Noon ay nakahigang nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad nilang sinabi kay Jesus.

31. Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda ng pagkain para sa kanila.

32. Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo.

33. Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay.

Marcos 1