Lucas 7:10-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Pagbalik nila sa bahay, naratnan ng mga isinugo na magaling na nga ang alipin.

11. Pagkatapos nito, nagpunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang mga alagad at ang napakaraming tao.

12. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming nakikipaglibing.

Lucas 7