Lucas 23:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?”“Ikaw na ang may sabi,” tugon ni Jesus.

4. Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”

5. Ngunit mapilit sila at sinasabing, “Sa pamamagitan ng kanyang mga katuruan ay inuudyukan niyang maghimagsik ang mga taga-Judea. Nagsimula siya sa Galilea at ngayo'y narito na.”

6. Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung si Jesus ay taga-Galilea nga.

50-51. May isang lalaki roon na ang pangala'y Jose. Siya'y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabait at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus.

Lucas 23