Lucas 22:28-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

28. “Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok sa akin.

29. Kung paanong ang Ama ay nagbigay sa akin ng karapatang maghari, gayundin naman, ibinibigay ko sa inyo ang karapatang ito.

30. Kayo'y kakain at iinom na kasalo ko sa aking kaharian, at kayo'y uupo sa mga trono at mamumuno sa labindalawang lipi ng Israel.”

31. “Simon, Simon! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad sa pag-aalis ng ipa sa mga trigo.

Lucas 22