6. Subalit kung sasabihin naman nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao dahil naniniwala silang propeta si Juan.”
7. Kaya't ang sagot na lamang nila'y, “Hindi namin alam!”
8. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng karapatan upang gawin ang mga ito.”
9. Nangaral muli siya sa mga tao at isinalaysay ang talinhagang ito. “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Iniwan niya iyon sa mga katiwala at siya'y nangibang-bayan sa loob ng mahabang panahon.