Lucas 2:40-42 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

40. Ang bata'y lumaking malusog, matalino, at kalugud-lugod sa Diyos.

41. Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem.

42. Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian.

Lucas 2