Lucas 2:12-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”

13. Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,

14. “Papuri sa Diyos sa kaitaasan,at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

Lucas 2