Lucas 18:33-36 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

33. Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.”

34. Subalit ang Labindalawa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; hindi nila makuha ang kahulugan niyon, at hindi rin nila naintindihan ang sinasabi ni Jesus.

35. Nang malapit na si Jesus sa Jerico; may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos.

36. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari.

Lucas 18