Lucas 17:29-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat.

30. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

31. “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa.

32. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.

Lucas 17