Lucas 10:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo.

8. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo.

9. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon, ‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’

10. Ngunit kung hindi kayo tanggapin sa isang bayan, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin,

Lucas 10