44. Lahat ng may kinalaman sa mga diyus-diyosang ito ay pandaraya at kahibangan. Paano sila maituturing o matatawag na diyos?
45. Likha lamang sila ng mga karpintero at panday. Kung ano lamang ang nais palabasing hugis ng mga ito ay siyang mangyayari.
46. Kahit na ang mga may gawa sa kanila ay hindi mabubuhay nang matagal. Paano magiging diyos ang kanilang ginawa?
47. Ang iiwan ng mga taong iyon sa mga susunod na salinlahi ay pawang pandaraya at kahihiyan.
48. Kapag may digmaan at kalamidad, ang mga pari ang nag-iisip kung saan itatago ang mga diyus-diyosang iyon.
49. Wala silang magagawa sa harap ng digmaan at panganib. Bakit kaya hindi maunawaan ng mga tao na hindi maaaring maging diyos ang mga rebultong iyon?