Liham Ni Jeremias 1:11-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Kung minsan ay ibinabayad pa sa mga babaing nagbibigay ng panandaliang aliw sa templo. Ang mga diyus-diyosang iyon na yari sa kahoy, ginto at pilak ay binibihisang parang tao.

12. Ngunit kahit sila'y bihisan ng magagarang damit na kulay ube na tulad ng mga hari, kinakain pa rin sila ng bukbok at kalawang.

13. Napupuno rin sila ng alikabok sa templo at kailangang may magpunas ng kanilang mukha.

Liham Ni Jeremias 1