26. Dadalhin niya sa altar ang lahat ng taba at susunugin gaya ng taba na handog pangkapayapaan. Ito ang gagawin ng pari para matubos ang kasalanan ng pinuno at siya'y patatawarin.
27. “Kung ang nagkasala nang di sinasadya ay isang karaniwang tao dahil lumabag siya sa utos ko
28. at malaman niya ito pagkatapos, maghahandog siya ng isang babaing kambing na walang kapintasan.
29. Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito doon sa lugar na patayan ng mga handog na sinusunog.
30. Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri'y papahiran niya ang mga sungay ng altar. Ibubuhos niya sa paanan nito ang natirang dugo.